24.7 C
Manila
Sabado, Marso 2, 2024

Tree of Hope sinindihan sa Valenzuela, pagdiriwang ng Ika-400 na Anibersaryo ng Pagkatatag, sinimulan

- Advertisement -
- Advertisement -

DALAWANG mahalagang okasyon ang ginanap sa Lungsod ng Valenzuela noong katapusan ng Setyembre. Isa rito ay ang pagpapailaw sa Tree of Hope sa Valenzuela City People’s Park. Kasabay nito, ang seremonya kung saan minarkahan din ang simula ng isang tatlong buwang pagdiriwang ng ika-400 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng lungsod.

Pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian, SM Supermalls President Steven Tan at CDO Foodsphere Inc. Assistant Vice President Jason Ong ang pagbibigay-liwanag sa Tree of Hope ngayong taon. Nakiisa rin sa okasyon sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Mayoress Tiffany Gatchalian, City Councilors Ricarr Enriquez, Gerald Galang, Niña Lopez, Sel Sabino-Sy, Mickey Pineda, Atty. Bimbo Dela Cruz, Louie Nolasco, Marlon Alejandrino, SK Federation President, Councilor Goyong Serrano, at Liga ng mga Barangay President, Councilor Jonjon Bartolome.

Ang seremonya ng pag-iilaw ng Tree of Hope ay isang taunang tradisyon ng lungsod, na nagtatakda ng pagsisimula ng selebrasyon ng Pasko para sa mga Valenzuelano. Ang tradisyonal na pag-iilaw na ito ng 50-foot tree, kasama ang ilang mga palamuti at installation, ay matagal nang tumatakbo mula noong 2004.

Ngayong taon, ang seremonya ng pag-iilaw ay kaakibat ng isa pang makasaysayang paggunita — ang kick-off na pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Valenzuela. Ito ay isang makabagong tema ng Paskong Pinoy na nag-uugnay sa nakaraan at hinaharap, bilang pagpapahalaga sa 400 taon ng kasaysayan at pag-unlad. Nakasama ni Mayor WES Gatchalian si SM Supermalls President Steven Tan at CDO Foodsphere Inc. Assistant Vice President Jason Ong sa pagbibigay-liwanag sa Tree of Hope ngayong taon.

Ang mga batang PWD at mga kabataan ang pangunahing benepisyaryo para sa taong ito ng Tree of Hope. Gayundin, ang mga mag-aaral mula sa mga state universities ng lungsod na Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV) at Valenzuela Technological College o VALTECH (dating pinangalanang ValPoly) ay inanyayahan din na makibahagi sa kaganapang ito. Ang makasaysayang gabi ay naganap sa gitna ng lungsod, ang Valenzuela City People’s Park, kung saan marami sa mga residente nito ang nagtipon upang saksihan ang kumikinang na mga ilaw mula sa display.


“Sa ating ‘Tree of Hope’ Lighting ngayong gabi, nawa ito ay hindi lamang maging simbolo ng pag-asa, kung hindi rin magsilbing paalala, na ang liwanag na gumabay sa ating sa nakalipas na 400 taon, ay siya ring liwanag na gagabay sa ating hinaharap,” ayon sa alkalde.

Nakiisa sa okasyon sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Mayoress Tiffany Gatchalian, City Councilors Ricarr Enriquez, Gerald Galang, Niña Lopez, Sel Sabino-Sy, Mickey Pineda, Atty. Bimbo Dela Cruz, Louie Nolasco, Marlon Alejandrino, SK Federation President, Councilor Goyong Serrano, at Liga ng mga Barangay President, Councilor Jonjon Bartolome

Ang mga bata at kabataang PWD ay nagsagawa ng makabuluhang doxology upang simulan ang kaganapan. Upang higit na gawin itong gabing pag-alala, inimbitahan ng lokal na pamahalaan ang Christmas icon na si Jose Mari Chan, na kantahin ang kanyang signature song, “Christmas in Our Hearts” habang pinaiilawan ang Tree of Hope. Isang makulay at magarbong fountain display ang nagtapos sa okasyon.

Kasunod ng pagsisimula ng selebrasyon, maraming atraksyon sa lungsod tulad ng Valenzuela City Family Park, WES Arena, Fatima Avenue, at Polo Family Park ang nakatakda ring magbigay liwanag sa kanilang mga Christmas installation. Isang post-lighting concert ang naganap sa Valenzuela City Amphitheatre kung saan ang mga espesyal na panauhin, si Patrick Quiroz at ang banda, The Itchyworms, ay nagpasigla sa stadium.

Ang okasyon ng pag-iilaw ng puno ay isa sa mga pangunahing kasiyahan ng lungsod para sa 400th founding anniversary tribute nito. Ang araw ng paggunita ay sa Nobyembre 12, kasunod ng petsa ng pagkakatatag ng Pueblo de Polo, Nobyembre 12, 1623. Ipagdiriwang din ang Polo Fiesta at Casa de Polo inauguration bilang dalawa sa mga engrandeng kaganapan sa #Valenzuela400 ngayong buwan.

Sa nakalipas na 400 taon, ang Lungsod ng Valenzuela ay naghangad ng ilang mga pag-unlad at inobasyon. Mula sa isang agricultural provincial town ng Polo tungo sa isang highly urbanized, industrial, at liveable city, ang kapansin-pansing transisyon na ito ang nagbunsod sa Valenzuela na kinilala bilang isa sa mga progresibong lungsod sa bansa.

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -