25.9 C
Manila
Lunes, Marso 4, 2024

Mayor Eric Olivarez naghandog ng kasiyahan sa mga pasyente ng OSPAR 1 at 2

- Advertisement -
- Advertisement -

ISANG simpleng kasiyahan ang inihanda ni Mayor Eric Olivarez noong Oktubre 3 para sa mga in-patients ng Ospital ng Parañaque I sa Barangay La Huerta at Ospital ng Parañaque 2 sa Barangay Don Bosco. Sa kanyang pagbisita sa dalawang pampublikong ospital, siya ay nag-ikot kasama si District 1 Congressman Edwin Olivarez upang kumustahin ang mga pasyente ng naturang ospital.

Bukod dito, pinangunahan ng dalawang lingkod bayan ang pamamahagi ng munting regalo sa kanila, gaya ng grocery packs at laruan. Inihayag din ng alkalde ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng Ospar 1 sa pangunguna ni Hospital Director Dr. Jefferson Pagsisihan at Ospar 2 sa pangunguna ni Hospital Director Dr. Patrick Cruz 2 na katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong medikal sa mga residente ng lungsod.

Ang outreach activity na ito ay isa sa mga programang inilatag ng lokal na pamahalaang lungsod para sa isang linggong pagdiriwang ng kaarawan ng punong-lungsod.


- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -