27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

Pangandaman: Bawat programa ay makatutulong o makasisira sa ating mga kababayan na nangangarap ng mas magandang buhay

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYANG diin ni Department of Budget and Management Secretary Mina Pangandaman ang kahalagahan ng mga proyekto ng gobyerno sa ilalim ng Philippine Open Government Partnership (PH-OGP) upang maabot ang pangarap na magandang buhay ng bawat Pilipino.

Sa ginanap na Fourth Quarter Steering Committee Meeting noong November 23, 2023 sa Davao City, muling ipinunto ni Secretary Pangandaman ang layunin ng PH-OGP na itatag ang bukas na pamamahala, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na tiyakin ang transparency at full digitalization sa gobyerno upang aktibong makalahok ang mga mamamayan.

Para sa Bagong Pilipinas at mga Pilipino, let us remember that every commitment, every program, and every action plan that we implement is a make-or-break for our kababayans who are dreaming of better quality and decent lives and aspire for a better Philippines with us,” pahayag ni Secretary Pangandaman na siya ring chairman ng PH-OGP Steering Committee.

Sa idinaos na 6th PH-OGP National Action Plan Commitment Review, tinalakay ang iba’t ibang mga programa upang mas ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa publiko.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -