28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

Kailangan pa ba ang career para yumaman?

- Advertisement -
- Advertisement -

O, Juan, kamusta trabaho mo?

Ok naman, Uncle. Mahirap pero carry.

Kelan ka huling na-promote?

Promotion? Hindi uso yan sa office, Uncle. Matagal ang hinihintay bago mapromote kahit mahusay ka.

So I guess mabagal din ang pagtaas ng suweldo?


Sinabi mo, Uncle. Kaya mahirap magbudget katulad nung madalas mong sinasabi sa kin.

Kalimitan yan ang reklamo ng marami. Mabilis sa pagdagdag ng trabaho. Pero pagdating sa suweldo, pahirapan yan. Tapos kakaltasan pa ng malaking income tax at patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at gastusin.

Kaya ang tanong ay, importante pa ba ang pagkakaroon  ng career  sa isang opisina kung mahina ang kinikita at malabo ang oportunidad na umangat ang inaasahan nating magpapalago ng ating ipon at masuportahan ang lahat ng pangangailangan natin hanggang sa tayo ay magretire na?

Malaki ang impluwensya ng ating career choices sa pinansyal na aspeto ng  buhay natin. Kapag ang career natin ay may mataas na potensyal na palaguin ang ating ipon at investment, mas mabilis nating makakamit ang ating mga financial goals, mula sa malaking ipon, walang utang, sariling bahay at lupa pati na sasakyan, pagbiyahe sa iba’t ibang bansa, etc.

- Advertisement -

Pero ngayon, lalo na sa mga millennials at Gen Z, nag-iiba na ang pananaw tungkol sa pagtratrabo ng 9-5 sa isang kumpanya. Marami sa henerasyon ngayon ay naghahanap ng work-life balance at ayaw patali sa isang opisina na sa tingin nila ay hindi naiibigay ang kanilang fulfillment sa trabaho. Kaya makikita natin na ang iba ay kung anu-anong gig ang ginagawa, maliit na negosyo man o mga side hustles na tinatawag na walang boss na pakikisamahan, walang masyadong regulasyon na susundin at kadalasa’y mas malaki pa ang kinikita. Sabi nga nila, sa America daw, mas marami na daw na mayamang millennials kesa sa mga executives ng mga kumpanya.

Di na pabor ang kasalukuyang henerasyon sa mga naranasan natin billing baby boomers- ang umakyat sa corporate ladder, maging manager at pataas, ang magtagal sa  pinapasukan hanggang retirement o mag-manage ng mga tao at pangalagaan ang kanilang career.

Naniniwala pa rin ako na ang pundasyon ng ating magandang financial future ay ating trabaho o kung ikaw ay mahilig mag-business, sa negosyo. Pagkatapos natin maka-graduate at magkaroon ng degree, simula na ng ating pakikipagsapalaran sa mapaghamong mundo kung saan bubuo na tayo ng buhay na magdudulot sa atin ng tinatawag kong financial freedom sa hinaharap.

Iba-iba nga ang konsepto ng financial freedom sa marami. Lalo na sa mga millennials at Gen Z. Kapag tinanong mo sila, mas mahalaga sa kanila ang kasalukuyan kung sila ay masaya sa ginagawa nila, kung tugma ba ito sa passion nila, kung sila ba ay komportable habang kumikita at kung hindi naman sila nadedehado sa mga demands at expectations sa kanilang kakayahan.

Pero mabilis lang ang panahon. Tatanda ka, magkaroon ka ng pisikal na kahinaan at malamang magbabago din ang klase ng trabahong kaya mo pang gawin.

Kaya sa akin, prayoridad ko ang stabilidad sa career na pinili ko at magbibigay sa akin ng pangmatagalan at matibay na seguridad sa ating pinansyal na pamumuhay. Di ba maganda kung may retirement fund kang aasahan, pensyon, maliit man o malaki, na puede mong tanggapin at mga benepisyo na puedeng ma-enjoy pati ng pamilya mo?

- Advertisement -

Maraming kokontra sa ganyang paniniwala, makaluma daw o hindi na ayon sa panahon ngayon na kung saan kahit TikTok o YouTube ay puedeng pagkakitaan ng mas mabilis at mas malaki.

Tama din naman. Sa dulo, isa lang naman talaga ang dapat meron tayo. Kailangan may kapasidad tayong mag-ipon at mag-invest, mag-budget, at pagisipang mabuti ang pagkakaroon ng health at retirement plans.

Sa totoo lang, ang pagkakaroon ng matagumpay na career sa isang kumpanya man o sa sariling negosyo at ang pag-angat ng personal na kayamanan ay magkadugtong. Ang problema lang ng Ilan na hindi naman nakamit ang kanilang financial goals kahit na sila ay may magandang career o negosyo ay dahil sa kawalan nila ng 4Ps:

Pagsasakripisyo. Lahat ay may kalakip na paghihirap. Tataya ka. Ibibigay mo ang lahat. Walang libre. No risk, no glory.

Pagsisinop. Mahirap kumita ng pera. Hindi din titigil ang gastos. Kailangang magipon para sa kinabukasan. Mag-invest ng tama. Iwasan ang scams. Iwasan ang one time big time na kita na imposibleng kitain sa tamang paraan.

Pagpapahalaga sa mga relasyon. Ang buhay ay bilog. May karma. Babalik at babalikan natin ang mga taong tumulong sa atin sa ating pag-asenso. Kahit sa tingin mo magaling ka, pairalin pa rin ang magandang paguugali. Rumespeto at gumalang. Tumulong sa pamilya lalo na kung ikaw ay meron nang kakayahan.

Pagpupunyagi at pagpapasalamat sa bawa’t tagumpay na meron tayo. Huwag nating sarilinin ang tagumpay natin. Share our blessings. At ipagdasal ang lahat ng umambag sa ating magandang buhay, pati na rin siguro ang mga hindi naniwala sa atin na kaya natin abutin ang mga pangarap natin.

Juan, saan ka man makarating, dalhin mo yang 4Ps sa puso mo. Hindi ka mapapariwa, promise.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -