30.5 C
Manila
Biyernes, Marso 1, 2024

Bumagsak ang depisit ng National Government (NG) noong 9 na buwan ng 2023 dahil sa patuloy na mahusay na koleksyon

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMABA ang depisit ng NG noong siyam na buwan ng 2023 sa P1,090.4 bilyon mula P1,111.8 bilyon noong nakaraang taon, 1.9 porsiyento na mas mababa kaysa noong parehong period ng 2022.

Lumukso ang revenues ng NG nang 9.4 porsiyento kumpara noong nakaraang taon, mas mababa kaysa ang 10.7 porsiyento na paglago ng nominal GDP. Ang dahilan nito ay ang VAT reform na kung saan ginawang quarterly ang bayaran ng VAT sa halip na monthly at ang pagbaba ng consumption ng excisable goods gaya ng sigarilyo at alak dahil sa pagtaas ng inflation ng mga produktong ito. Ang VAT reform ay ayon sa programang gawing mas magaan ang pagbabayad ng buwis. Kung ibabalik sa koleksyon ang isang buwang VAT collection na nawala dahil babayaran ito sa susunod na buwan, tumaas ang revenues nang 10.8%, mas mataas kaysa 10.7% na paglago ng nominal GDP. Kapag ang adjusted level ang gagamitin sa pagkuenta ng revenue effort, tumaas ito mula 17.0 porsiyento sa 17.1 porsiyento.

Ang nominal GDP ang pinakamagandang sukatan ng tax base dahil ang koleksyon ay kinukuwenta ayon sa produksyon at income o sales ng mga taxpayers. Sa pangkalahatan, ang ibig sabihin nito ay mas efficient ang pangongolekta ng BIR, BoC, BTR at iba pang revenue collection agencies kaysa noong nakaraang taon.

Malaki ang kontribusyon ng BIR sa magandang kinalabasan ng koleksyon. Ang kanilang koleksyon ay lumago nang 11.1porsiyento kahit na nawalan sila ng isang buwan na VAT collection. Kung idagdag ang P42 bilyon na tinatayang nawala sa monthly payment ng VAT noong October, tumaas sana ang koleksyon ng BIR nang 13.3 porsiyento.

Bumaba ang paglago ng koleksyon ng BoC sa 3.5 porsiyento dahil sa pagbagsak ng imports ng bansa. Bumaba ang imports nang 6.3% porsiyento pag ginamit ang import value in terms of Philippine pesos mula Enero hanggang Setyembre. Nakatulong nang bahagya ang 3.6 porsiyento na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.


Tumaas nang 9.4 porsiyento ang koleksyon ng other offices. Ang mga ito ay motor vehicle taxes na kinokolekta ng Land Transportation Office (LTO) at forest products taxes na kinokolekta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Tumaas din nang 80.5 porsiyento na paglago ng non-tax revenues. Karamihan dito ay mga koleksyon ng Bureau of the Treasury (BTR) mula sa mga government corporations, ari-arian ng NG at iba pa. Kasama rito ang fees and charges, dividends, share sa profits, interes at principal ng mga pautang ng NG. Kasama rin dito ang fees and charges na kinokolekta dahil sa mga services na ibinibigay ng gobyerno, mga proceeds ng privatization,  mga kita ng Treasury sa mga deposits nito sa Bangko Sentral at mga bangko, at ang kita sa mga royalties mula sa national wealth gaya ng Malampaya oil field, mga minahan  at iba pa.

Sa kabilang dako, tumaas nang 6.3 porsiyento ang expenditures kahit bumagsak ng allotments sa LGUs na nakabase sa mababang tax collection noong 2020 sa kasagsagan ng Covid 19.  Nakatulong ang mataas na paglago ng capital outlays na tinatayang lumukso sa 43.3 porsiyento hanggang Setyembre.   Nakatulong din ang 20.0 porsiyento na pagtaas ng interest expense dahil sa paglobo ng interest rates na sanhi ng masikip na monetary policy.

Dahil sa pagdausdos ng depisit, bumaba ang NG debt-GDP ratio sa 60.2 porsiyento noong Setyembre mula sa 63.7 porsiyento noong nakaraang taon. Ito ay alinsunod sa medium-term fiscal framework sa Philippine Development Plan 2022-2028 na kung saan pabababain ang debt ratio sa 55 porsiyento sa 2028.

Sa mga natitirang buwan ng 2023, medyo hahabulin ng Department of Budget and Management (DBM) ang planong 5.5 porsieynto na paglago ng expenditures sa buong taon. Inaasahang pag-iigihin pa ng revenue collection agencies ang kanilang proseso ng pangongolekta para tumaas ang kanilang excess collections. Sa lateral attrition law, maaring gamitin  ang porsyento ng excess revenues sa pagpapabuti ng kanilang mga pasilidad.

Table 1. FISCAL PERFORMANCE            January-October CHANGE
(in P Billion) 2022 2023 2023 vs 2022
% Growth
TOTAL REVENUES 2,946.3 3,223.6 9.4%
   % of GDP 17.0% 16.8%  
TAX REVENUES 2,646.8 2,896.0 9.4%
    % of GDP 15.3% 15.1%  
     BIR 1,919.2 2,132.5 11.1%
     BOC 713.5 738.3 3.5%
     OTHER OFFICES 14.0 25.3 80.5%
NON-TAX REVENUES 299.5 327.6 9.4%
EXPENDITURES 4,058.1 4,314.0 6.3%
    % of GDP 23.5% 22.5%  
    Capital outlays*/ 428.5 613.8 43.3%
    Allotments to LGUs 909.5 769.9 -15.3%
    Interest expense 433.2 519.9 20.0%
    Others 2,715.4 3,024.2 11.4%
PRIMARY DEFICIT (678.7) (570.5) -15.9%
    % of GDP -3.9% -3.0%  
NG BALANCE (1,111.8) (1,090.4) -1.9%
    % of GDP -6.4% -5.7%  
 
Source: Bureau of the Treasury
*/ Up to September only

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -