30.2 C
Manila
Linggo, Marso 3, 2024

322 trainees nagtapos ng Job Induction Program sa Caloocan

- Advertisement -
- Advertisement -

SUMAILALAIM sa Job Induction Program ang kabuuang 322 trainees na nakapagtapos ng kanilang vocational course mula sa Caloocan City Manpower Training Center (CCMTC).

Layunin ng aktibidad na ito na gabayan ang ating mga kababayan at ihanda sila sa paghahanap ng trabaho o pagsisismula ng sariling negosyo.

Tinalakay dito ang paggawa ng resume, job interview tips, mga kabuhayan na maaaring simulan gamit ang kaalaman at kapasidad na nakuha nila mula sa training program ng CCMTC, at marami pang iba.

Pinuri at pinalakas ang loob ng mga trainees ni Mayor Along Malapitan.

“Good luck, mga Batang Kankaloo! Bilib po ako sa inyong sipag at tiyaga, ipagpatuloy lamang ang inyong nasimulan dahil walang imposible basta’t nagsusumikap.” (Teksto at larawan mula sa Caloocan Public Information Office)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -