28.8 C
Manila
Sabado, Marso 2, 2024

Sahod at benepisyo ng mga kawani ng BI, prinotektahan ni Escudero

- Advertisement -
- Advertisement -

SINIGURADO ni Senador Chiz Escudero na hindi magagalaw ang sahod at benepisyo ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa panukalang reimbursement ng ng mga na-offload na pasahero.

Nilinaw ni Escudero na ang pera para sa refund ay manggagaling sa kinikita ng BI na hindi ginagamit at ibinabalik lamang sa National Treasury.

Dagdag pa ng mambabatas na iligal ang anumang pagbabawas sa sahod ng mga taga-BI.

Matatandaan na ipinanukala ni Escudero ang pag-refund ng ginastos ng mga offloaded passengers dahil sa mahabang proseso ng pagtatanong ng mga Immigration officer.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -