25.9 C
Manila
Lunes, Marso 4, 2024

Sen. Legarda binati ang AFP sa kanilang ika-88 anibersaryo

- Advertisement -
- Advertisement -

MALUGOD na binati ni Senator Loren Legarda ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) sa kanilang pagdiriwang ng ika-88 aniberaryo kahapon sa kanyang opisyal na Facebook page.

Aniya,”Masaya nating ginunita ang katapangan, dedikasyon, at serbisyong inialay ng ating sandatahang lakas para sa bayan. Sa bawat pagpapakita ng inyong lakas at bawat pag-aalay ng inyong buhay para sa kaligtasan ng ating bansa, hindi maitatanggi na kayo ay maituturing na mga bayani ng bayan.”

Dagdag pa ni Legarda, “Maraming salamat sa inyong walang-humpay na sakripisyo at pagmamahal sa bayan. Ipinagmamalaki ko ang inyong tapang at propesyonalismo sa pagtupad ng inyong mga tungkulin.”

“Sa inyong anibersaryo, hiling ko ang higit pang tagumpay para sa inyo,” pagtatapos ng Senadora.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -