25.9 C
Manila
Lunes, Marso 4, 2024

LandBank pinalakas ang suporta sa Cebu sa pagbubukas ng bagong sangay

- Advertisement -
- Advertisement -

MATATAGPUAN sa harap ng New Liloan Public Market sa Barangay Jubay, ang bagong sangay ay maglalapit sa mga residente ng 31 barangay sa Liloan at kalapit bayan ng Compostela sa mga serbisyong ibinibigay ng bangko.  Mababawasan din ng 30 minuto ang oras ng biyahe para makarating sa pinakamalapit na sangay ng LandBank na matatagpuan sa Bayan ng Consolacion at mga Lungsod ng Danao at Mandaue.

LandBank President at CEO Lynette Ortiz (ikatlo mula sa kanan), kasama sina Tourism Secretary at dating Liloan Mayor Ma. Esperanza Christina Garcia Frasco (ikaapat mula sa kanan), House Deputy Speaker at Cebu 5 th District Representative Vincent Franco Frasco (ikalima mula sa kanan), at Liloan Mayor Aljew Fernando Frasco (ikaanim mula sa kanan), ang nanguna sa inagurasyon ng LandBank Liloan Branch-Lite na dinaluhan din nina Atty. David Erro (dulong kaliwa), Nancy Irlanda (ikalawa mula sa kaliwa), Liloan Vice Mayor Darwin Apas (ikapito mula sa kaliawa), at iba pang local officials.

“Ang pagkakaroon ng LandBank sa Liloan ay isang patunay ng kanilang pangako sa paglilingkod sa pangangailangan ng ating mga mamamayan, mula sa mga magsasaka na nagtatanim sa ating mayayabong na mga lupain hanggang sa mga negosyanteng nagsusumikap na magtayo ng mga negosyo, hanggang sa malalaking korporasyon at pabrika na nagbibigay ng trabaho sa Liloanon — lahat ito ay mag-aambag sa economic vitality ng Liloan,” ani Liloan Mayor Aljew Fernando Frasco.

Ang bagong pinasinayaan na LandBank branch-lite ay magsisilbi at mapakikinabangan ng humigit-kumulang 2,000 magsasaka at mangingisda; 5,600 Conditional and Unconditional Cash Transfer (CCT/UCT) program beneficiaries ng Department of Social Welfare and Development (DSWD); mga empleyado ng gobyerno; at mga lokal at multinasyunal na negosyo, bukod sa iba pang pribadong depositor.

Ang pasinaya na isinagawa noong Disyembre 8 ay pinamunuan ni LandBank President and CEO Lynette Ortiz, kasama si Department of Tourism (DoT) Secretary at dating Liloan Mayor Ma. Esperanza Christina Garcia Frasco, House Deputy Speaker at Cebu 5th District Representative Vincent Franco Frasco, at Liloan Mayor Frasco.

Dumalo rin sina Liloan Vice Mayor Darwin Apas, mga director ng LandBank na sina Atty. David Erro at Nancy Irlanda, LandBank Executive Vice President Liduvino Geron, Senior Vice Presidents Khurshid Kalabud, Elsie Fe Tagupa, at Catherine Rowena Villanueva, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Ang bagong pinasinayaang branch-lite ay mayroong automated teller machine (ATM) para sa mabilis, ligtas, at maginhawang pag-withdraw ng pera, at Digital Corner kung saan maaaring magbukas ng deposit account ang mga kliyente sa loob ng 15 minuto o mas maikli gamit ang LandBank Digital Onboarding System (DOBS).

Ang LandBank ay nagpapatakbo na ngayon ng 27 sangay at branch-lite units, at dalawang lending center sa buong Cebu, na mayroong 143 ATM, limang cash deposit machine (CDMs), at 19 LandBank Agent Banking Partners na namamahala sa operasyon ng 59 Point-of-Sale (POS) na mga terminal. Ang mga Cebuano ay maaari nang makapag-withdraw sa may 173 ATMs na matatagpuan sa 7-Eleven convenience stores na nasa iba’t ibang lugar sa lalawigan, bilang bahagi ng pakikipag-partner sa Pito Axm Platform Inc. (PAPI).

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -