27 C
Manila
Sabado, Abril 13, 2024

Gatchalian: 2022 PISA nagbubunsod ng dekalidad na edukasyon, pagsasanay para sa mga guro 

- Advertisement -
- Advertisement -

KASUNOD ng paglabas ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa dekalidad na pagsasanay at edukasyon para sa mga guro.

Sa paglabas ng resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa dekalidad na pagsasanay at edukasyon para sa mga guro.Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Lumabas sa resulta ng 2022 PISA na mula 2018 hanggang 2022, umakyat ang porsiyento ng mga Pilipinong mag-aaral sa mga paaralang kulang sa kwalipikadong mga guro. Noong 2022, 43 porsiyento ng mga mag-aaral ang mga nasa paaralang kinulang ang kakayahang maghatid ng edukasyon dahil sa kulang ang mga guro, at 19 porsiyento naman sa mga paaralang may kakulangan sa kwalipikadong mga guro. Noong 2018, ang mga naitalang porsiyento ay 19 porsiyento at 8 porsiyento. Ibinatay ang datos na ito sa ulat ng mga punong-guro.

Lumabas din sa resulta ng PISA na bago pa bigyang konsiderasyon ang socio economic profile ng mga mag-aaral, ang isang unit ng pagtaas ng index ng education staff shortage ay nagdulot ng pagbaba ng 6 points sa Math score ng mga mag-aaral.

Upang matiyak na may kwalipikadong mga guro ang mga paaralan, binigyang diin ni Gatchalian ang pangangailangan sa ganap na pagpapatupad ng Excellence in Teacher Education Act (Republic Act No. 11713). Layon nitong iangat ang kalidad ng teacher education at training sa bansa. Si Gatchalian ang sponsor at may-akda ng naturang batas.

Pinapatatag ng Excellence in Teacher Education Act ang Teacher Education Council (TEC) upang paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHEd), at Professional Regulation Commission. Sa pamamagitan ng mas pinaigting na ugnayan sa pagitan ng mga ahensyang ito, matitiyak ng batas na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng angkop at dekalidad na edukasyon sa mga guro mula pre-service hanggang in-service. Mandato rin sa TEC na magtakda ng mga pamantayan para sa teacher education programs.

Nakasaad din sa batas ang paglikha ng Student Incentives Support Office na magbabalangkas at magpapatupad ng mga programang hihikayatin ang mga mahuhusay na mag-aaral na kumuha ng kurso sa pagtuturo. Kabilang dito ang mga scholarships, grants-in-aid, loan programs, stipends, at iba pang mga benepisyo at incentives.

“Ang ating mga guro pa rin ang may pinakamahalagang papel sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral, kaya naman dapat nating tiyakin na nakakatanggap din sila ng mataas na kalidad ng edukasyon at pagsasanay. Ang pagpapatupad nito nang maayos ang dahilan kung bakit natin ipinasa ang Excellence in Teacher Education Act,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -