28.6 C
Manila
Sabado, Abril 20, 2024

Senator Bong Go, nakiramay sa mga nasunugan sa Cebu

- Advertisement -
- Advertisement -

MULA sa Davao City ay bumiyahe via commercial flight papuntang Cebu si Senator Bong Go nitong Linggo, Enero 14, para kumustahin ang mga nasunugang pamilya sa Brgy. Carreta sa Cebu City. Namahagi rin si Senator Bong Go ng personal na tulong sa mga biktima. Pagkatapos ng pamamahagi ng tulong kasama ang kanyang Malasakit Team ay nakiisa naman ang senador sa selebrasyon ng Sinulog Festival na ginanap sa Cebu City Sports Center.

Game na game namang nakipag-selfie si Senator Bong Go sa mga nakasabay niyang pasahero at ilang airport crew pagdating ng Mactana-Cebu International Airport.

Kinagabihan ay umuwi rin ng Davao City ang senador upang paghandaan naman ang mga susunod niyang aktibidad sa Region 11 at Region 12, gaya na lamang ng groundbreaking at ribbon cutting ceremony ng mga itatayong Super Health Centers sa bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -