27.6 C
Manila
Miyerkules, Mayo 29, 2024

Bill ni Robin, palalakasin ang proteksyon para sa refugees at stateless persons

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGIGING mas malakas ang proteksyon ng Pilipinas para sa mga refugee at stateless persons, lalo na ang mga napilitang umalis sa kanilang mga bansa dahil sa giyera at pagmamalupit, kung magiging batas ang panukala ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla.

Ihinain ni Padilla ang Senate Bill 2548, na sumasang-ayon sa Sec. 11, Art. II ng 1987 Constitution kung saan pinapahalagahan ng Estado ang dignidad ng bawa’t tao at tinitiyak ang paggalang sa kanilang mga karapatan.

“(With this bill), this representation seeks to institutionalize the policy in the determination of eligibility for protection of a refugee or a stateless persons by creating a Refugees and Stateless Persons Protection Board, which shall be an attached agency of the Department of Justice,” ani Padilla.

“This proposal is also part of our commitment to international treaties such as the 1951 UN Convention related to the Status of Refugees and the 1954 UN Convention related to the Status of Stateless Persons, among others,” dagdag niya.

Ayon kay Padilla, naging tahanan ang Pilipinas sa mga migrant at refugee simula noong 1980s. “Bound by the Filipinos’ innate compassion and humanitarian spirit, it is no surprise that the country has provided asylum to a succession of refugee populations over time,” aniya.

“Passing this measure will also pave the way for the Philippine government’s stronger and more effective coordination and cooperation with the United Nations High Commissioner for Refugees, the Commission on Human Rights, and other relevant institutions and agencies,” dagdag ni Padilla.

Isinusulong ng panukalang batas ang Refugees and Stateless Persons Protection Board bilang “central authority” sa mga bagay tungkol sa pag-determina ng status, at eligibility para makamit ang proteksyon bilang refugee at stateless person.

Kasama sa mga kapangyarihan ng protection board ang pagtanggap at pagdesisyon sa mga application for status as refugee or stateless persons, at iresolba ang kahilingan para sa provisional protective measures na may kinalaman sa applications. Makikipag-coordinate din ito sa UNHCR at sa ibang tanggapan ng UN.

Ang mga bumubuo rito ay ang:

* Secretary of Justice o kinatawan na may ranggong hindi bababa sa Assistant Secretary, bilang ex officio chairperson;
* Secretary of Foreign Affairs o kinatawan na may ranggong hindi bababa sa Assistant Secretary, bilang ex officio vice chair;
* Commissioner of the Bureau of Immigration o kinatawan na may ranggong hindi bababa sa Director;
* National Security Adviser o kinatawan na may ranggong hindi bababa sa Director;
* Apat na myembrong itatalaga ng Pangulo para sa limang taong termino. Tatlo rito ay abogadong may kwalipikasyon ng regional trial court judge. Ang apat ay dapat may pagsasanay at karanasan sa human rights, immigration, social work, o refugee protection.

Ipinagbabawal ng panukalang batas ang Estado na paalisin ang refugee maliban kung ito ay may kinalaman sa national security o public order, mula Pilipinas papunta sa bansang maaaring maranasan nila ang pagmamalupit.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -