27.6 C
Manila
Miyerkules, Mayo 29, 2024

Sen Bong Go kasama sa nagbigay-pugay sa “Rewind” film nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

- Advertisement -
- Advertisement -

INAPRUBAHAN sa Senado ang Adopted Resolution No. 106 na binibigyang-pugay ang mga artista, writer, direktor, at production team ng pelikulang “Rewind,” dahil sa muli nitong pagbuhay sa pelikulang Pilipino noong 2023 Metro Manila Film Festival.

Mula kay Mr. Malasakit Senator Bong Go, personal niyang ipinaabot ang pagbati sa lahat ng bumubuo ng pelikulang Rewind. Ang real-life couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang bida sa pelikula mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Testamento ang mahigit P800 million gross profit ng 2023 MMFF entry sa unti-unting pagbangon at muling pagsigla ng industriya, na lubos na naapektuhan noong kasagsagan ng pandemya. Kaya naman tinagurian ang “Rewind” na ‘highest-grossing Filipino film’ sa kasalukuyan.

Congratulations muli sa Team Rewind! Mabuhay ang pelikulang Pilipino!

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -