29.9 C
Manila
Sabado, Abril 20, 2024

BP Sara bumisita sa nasawing sundalo sa Lanao del Norte

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINALITA ni Bise Presidente Sara Duterte na nakiramay siya sa burol ng nasawing sundalo sa Lanao del Norte.

Sabi niya, “Personal ko pong binisita ang isa sa mga nasawing sundalo sa engkwentro sa Munai, Lanao del Norte noong ika-18 ng Pebrero.

“Saludo ako sa kuwento ng katapangan at kabayanihang ipinakita ni Sgt. Tapinit at mga kasamahan niya na nasawi at nasugatan.

“Sa atin pong pakikiramay sa kanilang mga pamilya ay tandaan sana natin na totoo ang banta ng terorismo at wala itong pinipiling biktima. Tandaan din natin ang panganib ng pangangalap ng kabataan sa terorismo.

“Nagpapasalamat po ako sa pamilya ni Sgt. Tapinit sa kanyang serbisyo na ibinigay para sa ating bayan.

“Muli, sa ngalan ng buong sambayanang Pilipino ako po ay lubos na nakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng nakapanlulumong pangyayaring ito.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -