30.7 C
Manila
Huwebes, Hunyo 20, 2024

Mensahe ni BP Sara sa Araw ng Kagitingan

- Advertisement -
- Advertisement -
MAHALIN natin ang Pilipinas.
Sa paggunita sa mga bayaning beterano sa ika-walumpu’t dalawang taon ng Araw ng Kagitingan, kaisa ako ng sambayanang Pilipino sa pagbibigay-pugay sa kanilang hindi matatawarang sakripisyo para sa kalayaan na ating tinatamasa ngayon.
Sila ay natatanging halimbawa ng tapang at pagmamahal sa bayan. Ang kanilang hangarin na ipagtanggol ang dangal at integridad ng ating bansa sa panahon ng digmaan ay inspirasyon na dapat nating tularan at alagaan. Kaya’t patuloy nating isapuso at tutukan ang mga aral ng ating kasaysayan.
Ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo at Kagawaran ng Edukasyon ay naglalayong maituro at maipaunawa sa bawat batang Pilipino ang pagpapahalaga sa kasaysayan at sa mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay.
Ipagdiwang natin ang mga Pilipinong Beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at magbigay ng karangalan sa kanilang paninindigan sa ngalan ng kalayaan.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -