30.7 C
Manila
Huwebes, Hunyo 20, 2024

Mensahe ni BP Sara sa selebrasyon ng Eid al-Fitr

- Advertisement -
- Advertisement -
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Maligayang pagtatapos ng Ramadan sa ating mga kapatid na Muslim!
Kasama ko kayong nagdiriwang sa Eid al-Fitr at sa mapayapang pagdaos ng isang buwang pag-aayuno at pagdadasal. Ang inyong dedikasyon at pananampalataya ay inspirasyon sa ating lahat.
Ang pagtatapos ng Ramadan ay paalala sa atin na maging mapagpakumbaba, mapagpatawad, at palalimin pa ang ating pananampalataya.
Nawa’y patuloy nating isabuhay ang mga aral ng Qur’an at ng Propetang Muhammad, at itaguyod ang kabutihan sa ating kapwa.
Sa kabila ng ating pagkakaiba, ang pagkakaisa, paggalang, at pagmamahal sa ating bansa ay napakahalaga.
Muli, binabati ko kayo ng isang matagumpay na pagtatapos ng Ramadan. Happy Eid al-Fitr!
Ang lahat ng ating ginagawa ay para kay Allah, sa Bayan, at sa Pamilyang Pilipino.
Shukran.
Sara Z. Duterte
Vice President of the Philippines
Secretary of the Department of Education
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -