26 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Panayam ni Sen Cynthia Villar kay Noli De Castro sa Teleradyo Serbisyo

- Advertisement -
- Advertisement -

NARITO ang kabuuang transcript ng panayam ni Sen Cynthia Villar kay Noli De Castro sa Teleradyo Serbisyo noong Mayo 8, 2024.

Larawan mula sa Facebook page ng Senate of the Philippines

Kabayan: Meron hong panukala si Sen. Cynthia Villar na Agricultural Economic Sabotage Law. Alamin natin ho kung ano itong Agricultural Economic Sabotage Law. Magandang Umaga po Se. Cynthia Villar. Madame Senator good morning po, salamat po.

Sen CAV: Maraming salamat kababayan at maraming salamat din sa ating mga tagapakinig.

Kabayan: Yung hong Rice Tariffication Law na alam naming kayo ang nasa likod ng Rice Tariffication Law. ay inaprubahan na raw po sa House of Representative para may ilang baguhin sa nilalaman ng Rice Tariffication Law. Parang yung pamimili ng mga palay o bigas ay ibabalik ho sa National Food Authority, Senator.

Sen CAV: Nakalagay naman po sa Rice Tariffication Law, tinanggal lang natin sa NFA ang Importation of Rice. Ngayon po lahat pwedeng magimport, pero magbabayad sila ng 35% Tariff at yung 35% Tariff Collection na yun na ngayon ay may collection nang 129 Billion binabalik po yun sa small rice farmers para naman wag silang magreklamo na nagiimport tayo, yung tariff on imported rice binabalik.

Kabayan: Paano po binabalik? In what form?

Sen CAV: Yung 10Billion po sa rice competitive enhancement fund ay nagbibigay ng libreng machineries sa mga coop ng rice farmers every year. Tapos ang 3 Billion po nagbibigay ng in-bred rice feed sa mga individual farmers tapos yung 1 Billion po binibigay sa landbank para pautangin sila para hindi sila maging victim ng 5-6. At yung 1 Billion po para sa training sa TESDA, PhilMech, PhilRice at ATI para matutunan nila yung mechanization, maintenanceship at nagagawa din yung in-bred seedling na yun ng coop ng farmers. Kaya tinuturuan sila how to do it para pagdating ng araw hindi na sila bibili at hindi na sila bibigyan dahil kaya na nila para sa sarili nila. At yung 8 Billion po binibigay na financial assistance to rice farmers owning 2 hectares and below. 1.6 Million Rice Farmers ang pinagdadalhan ng Tariff on Imported Rice.

Ngayon doon po sa Rice Tariffication Law tinanggal ang power ng NFA to import kasi before po, sila ang nagiimport walang tariff, mahal pa rin ang rice, kasi nakita na kasabwat din sila ng kartel ng rice. Tinanggal po yun. Binigyan sila ng 9 Billion subsidy na bibili nalang sila ng rice sa rice farmers, local. At ito ay ipagbibili lang nila sa local government doon sa gustong tulungan yung local consumers na mahihirap, yung DSWD para gagamitin sa calamity at kaming mga congressmen at senators kung gustong itulong sa calamity, pwede rin po kaming bumili.

Kaya lang po noong calamity, nabili po kami, kaming dalawa ni Sen. Binay, hindi po kami pinagbilhan dahil sinabi wala daw po silang stocks. Pagkatapos after 2 weeks lumabas sa news na ipinagbili nila sa traders. Kaya hindi ba natanggal ang NFA (head).

Nagfile kami ng Resolution sa Senate para imbestigahan ng Blue Ribbon Committee pero hanggang ngayon hindi pa rin iniimbestigahan. Ngayon gusto nilang ibalik ang powers na ipagbili sa traders ng NFA e nung wala ngang power na ganun sa trader pa rin nila pinagbibili kasi syempre baka kasosyo sila ng traders.

Kabayan: Yung hong binanggit nyo pong dapat ay pakinabang doon sa Rice Tariffication Law, I’m sorry Senator, parang ngayon lang po namin narinig yung at parang hindi nangyayari.

Sen CAV: Baka ikaw ngayon mo lang narining pero tanungin mo po ang mga rice farmers at coop ng rice farmers, tuwang tuwa sila dyan. For first time daw, may dumadating sa kanilang tulong ang ating gobyerno

Kabayan: Sige po aalamin namin…

Sen CAV: Tuwang-tuwa po sila tanungin nyo po ang mga coop and rice farmers. Kasi po yan every year nirereview po yan kung sino ang mga nabibigyan nila. Hindi po yan ano… kami po nirereview namin and due for… Yang Rice Tariffication Law is due irenew kasi po kasi 6 years lang yan e. E mageexpire na yan ng 2025 kaya irerenew namin this year. At maghehearing kami at titingnan ang performance ng Philmech at PhilRice.

Kabayan: Dapat po siguro alamin Ninyo kung talagang nangyayari itong binabanggit ho Ninyo dahil sa kabila ho nyan ay mahal pa rin ho ang bigas.

Sen CAV: e kasi ayaw pa rin nilas ipalabas… E kasi nagiimport pa rin po tayo kasi hindi natin kaya. E di ba kaya ngayon nagpasa kami ng ant-agricultural smuggling law.

Ipinaubaya namin sa Department of Agriculture ang IRR. E ibinigay po ang power sa Bureau of Customs kaya wala pong nahuli any in 7 years, any agricultural smuggler. Kaya ngayon po nagpasa ulit kami ng batas, amending that Law ang tawag namin, Anti-agricultural Economic Sabotage Law. Certified po yang ng President, ngayon po nasa bi-cam. Ayaw mag agree ang house na ipasa sya. Nung December pa ho nasa bi-cam yan. Ipinagbabawal po ang profiteering, hoarding, smuggling.. marami pa ho yan, yung lahat ng crimes against manipulation of prices.

Kabayan: Kung maganda po itong Rice Tariffication Law na sinasabi nyong may pakinabang ang mga magsasaka, e bakit po cinertify na urgent ni President Marcos e na iamend ang Rice Tariffication Law?

Sen CAV: Ang iaamend lang po nya ay pwede daw ipagbili ang binili ng NFA sa mga Farmers, na pwede nang ipambili ng mga farmers sa traders. Yun lang ang amendment na alam kong gusto nilang baguhin.

Kasi sa amin pong batas hindi pwedeng ipagbili sa traders. Pwede lang ipagbili sa DSWD, sa local government ang gustong tumulong at sa mga congressmen at senator na gustong tumulong for calamity. Hindi pwedeng ipagbili sa traders ang binili ng NFA sa farmers kasi mura po yan e. Subsidized yan e. E bakit mo ibebenta sa traders. E di magtrade sila. At ito ay ipagbili lang sa DSWD na ginagamit sa calamity assistance, sa aming public officials na gusto lang namin gamitin o gagamitin lang namin sa calamity assistance hindi para sa amin. At sa local government na gagamitin lang nila para tulungan ang kanilang mga kababayan.

Kabayan: Ito pong bago nyong pinopropose na batas, gaano kalakas ito kung saka-sakali at may ngipin ho ba ito talaga?

Sen CAV: Oo kasi batas yan e.

Kabayan: Kaya mga batas naman ho na hindi pinatutupad

Sen CAV: May mga batas na may oversight committee yan na every year nirereview ang performance nila. At yan ay renewable every 6 years. Kung pangit ang performance nila hindi marerenew. Idedefend ko po sa floor yan sa Senado na dapat irenew, ano ba ang napakinabang ng mga tao dyan.

Kabayan: Oho so nasaan na po ang inyong proposal ngayon?

Sen CAV: Nasa Floor po ng Senado idedefend ko po ngayo sa Senado.

Kabayan: Nayong araw na ito.

Sen CAV: Hindi po ngayong araw na ‘to. Pero bago mag 2025 kasi mageexpire na to sa 2025.

Kabayan: Ano po ang pinaka mahalaga sa inyong proposal na batas?

Sen CAV: Syempre yung maraming maibibigay sa small farmers. Rice farmers natin.

Kabayan: Like what?

Sen CAV: Itutuloy namin yung mechanization. May study ang Philippine Institue of Development Study, kaya sa Vietnam mura ang Palay sa kanila, 6 pesos per kilo, sa atin 12, kasi mechanized sila at mas better ang seeds nila kaya iyon ang sinosolve namin through Philmech and Philrice.

And then nag establish kami ng mga farm schools in every town in the Philippines para ang Philmech at Philrice magturo at babayaran ng TESDA ang tuition ng mga farmers na magaral doon. Kasi nilagyan ko po ng budget ang TESDA para ibayad sa tuition ng mga farmers para libre sa mga farmers ang magaaral. At kung malaki ang collection, balak ko po na lagyan ng water impounding facility and solar power ang coop ng mga farmers at bigyan din sila ng composting machine na maprocess ang kitchen and garden waste para hindi na ho tayo bibili ng fertilizer para they can make their own fertilizer.

Actually developmental to e, it’s for the future. Ngayon nagiimport tayo but hopefully, thorugh this developmental projects, pagdating ng panahon wala na tayong importation and we’ll be self-sufficient in rice.

Kabayan: Naku sana nga po, sana magdilang anghel kayo.

Sen CAV:… Kaya lang magulo talaga ang mga middleman, tsaka yung cartel, tsaka yung mga smugglers. Ang gugulo nila kaya ipinasa namin yung Anti-Agriculture Economic Sabotage Law na mahigpit po. Nagcreate ng Special Force para dito – the Board of of Tax appeals, doon ihahabla. Kasi po dati wala man lang naparusahan maski isa… 7 years yung anti-agricultural law.

Kabayan: Yun nga po paano natin bibigyan ng ngipin?

Sen CAV: Kaya nga po pinahirap na namin, mabigat po ito. Iba ang magmamanage. Combination ng private and government, tapos may special force, tapos ang magiimplement ng paghuli e PNP.

Kabayan: Yan ho ba kaya e makakasolve ng smuggling, hoarding, profiteering, cartel?

Sen CAV: We’re trying our best. Pinagsasama sama namin ang aming ipin para masolve ang problem na to.

Kabayan: Sana nga po, maraming salamat Sen. Cynthia Villar

Sen CAV: Maraming salamat kabayan at sa ating mga tagapakinig.

Transcript mula sa website ng Senate of the Philippines.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -