28.6 C
Manila
Miyerkules, Mayo 29, 2024

Mandaluyong Karatedo Team, kakatawan para sa Asian Federation Championship

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGANDANG balita! Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, ang mga pambato ng bansa sa Asian Karate Federation Championship.

Ito ay sina Robertson Gatongay, Rommel Dela Cruz Jr. at Carlos Miguel Malubay ng Mandaluyong Karatedo Team na kabilang sa mga kinatawan ng Pilipinas.

Ayon sa pamahalaang lungsod, napili ang tatlo matapos makamit ng kanilang grupo ang 6 gold, 3 silver at 3 bronze medals sa katatapos lamang na 5th Karate Pilipinas National Championship na ginanap sa Tagaytay Combat Sports Complex.

Ang Asian Karate Federation Championship ay gaganapin sa Agosto ngayong taon. (Mandaluyong City/PIA-NCR)

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -