30.7 C
Manila
Huwebes, Hunyo 20, 2024

Pahayag ni VP Sara sa Araw ng Pambansang Watawat

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Vice President Sara Duterte sa Facebook page ng Office of the Vice President of the Philippines.

“Nakikiisa ang Office of the Vice President sa paggunita ng National Flag Day mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 na sumasalamin sa tapang at sakripisyo ng ating mga sinaunang bayani.

Ang selebrasyong ito ay ang paggunita ng unang araw nang inilatag ang Pambansang Watawat ng Pilipinas noong Mayo 28, 1898 sa Lungsod ng Cavite, kasunod ng pagkapanalo ng mga rebolusyonaryong Pilipino laban sa mga puwersang Espanyol sa Battle of Alapan.

Nawa’y magsilbi ang selebrasyong ito upang bigyang halaga ang paggalang sa ating Pambansang Watawat na siyang sagisag ng ating kaisang pangarap, pagsusumikap, at tagumpay bilang isang bansa.

Mabuhay ang Pilipinas!”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -