25.7 C
Manila
Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

DBM, inaprubahan ang paglikha ng 5,000 DepEd non-teaching positions

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG tulungang mapagaan trabahong administratibo ng mga guro dahil sa kakulangan o kawalan ng non-teaching personnel sa mga eskwelahan, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang kahilingan ng Department of Education (DepEd) para sa paglikha ng 5,000 non-teaching positions para sa fiscal year (FY) 2024.

Upang maisakatuparan ang nasabing layunin, inilabas ng DepEd ang DepEd Order No. 002, s. 2024 na nag-uutos ng pagtanggal ng mga gawaing administratibo mula sa workload ng mga guro, na nagbibigay-daan sa kanila na tumutok at mapakinabangan ang kanilang oras sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Ipinahayag ni Secretary Mina Pangandaman ang kanyang suporta sa  hakbang, sa pagsasabing ang paglikha ng libu-libong non-teaching positions ay sumasalamin sa commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kabuuang kapakanan ng mga guro at mag-aaral.

“Our educators already have their plates full. By approving the creation of 5,000 non-teaching positions, we aim to relieve teachers of administrative tasks and allow them to focus on quality instruction. This move will significantly benefit our educators and enhance the country’s education system,” pahayag ni Sec. Pangandaman.

“Patunay po ito na tinutupad ni Pangulong BBM ang mga pangako niya. This is his campaign promise, and now, his administration is making it happen. Sa Bagong Pilipinas, patuloy po nating bibigyang prayoridad ang kapakanan ng ating mga guro at mag-aaral. After all, they are at the heart of our national development goals,” dagdag pa niya.

Ide-deploy ang 5,000 non-teaching positions sa loob ng DepEd, mga Administrative Officer (AO) II positions na may Salary Grade (SG) 11 para sa FY 2024, sa iba’t ibang School Division Office at mga paaralan sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region (NCR), Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, XII, at CARAGA.

Bukod dito, ang nararapat na kailangang pondo para sa mga filled positions mula sa nilikhang mga posisyon, ay manggagaling sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund sa FY 2024 General Appropriations Act, habang ang Retirement at Life Insurance Premium ay babayaran mula sa Automatic Appropriations.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -