30.2 C
Manila
Linggo, Hunyo 16, 2024

Bacolod City nagdiwang ng UPSW kasama ang mga UPO

- Advertisement -
- Advertisement -

LUNGSOD NG BACOLOD, Negros Occidental — Pinapurihan ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairperson and chief-executive-officer Undersecretary Elpidio Jordan Jr. ang lungsod ng Bacolod at ang alkalde nitong si Alfredo Abelardo ‘Albee’ Benitez sa pakikilahok sa pagdiriwang ngayong taon ng Urban Poor Solidarity Week na isinagawa ng PCUP sa pangunguna ng Mandaluyong City.

Sa pagdiriwang ng Urban Poor Solidarity Week (UPSW) ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), lumagda si Mayor Benitez at ang mga urban poor organization (UPO) sa isang covenant na magpapalakas ng kanilang pagtutulungan na lutasin ang kahirapan alinsunod sa adhikain ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr. na mapaangat ang kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.

Ayon sa alkalde, binibigyang diin ng nasabing urban poor covenant ang pagtalima sa pagkakaisa at pagpapaangat sa abang kalagayan ng mahigit 50,000 mga informal settler family (ISF) sa Bacolod na naninirahan sa mga dalampasigan at gayun din sa mga publiko at pribadong lupain.

Hinayag ni Mayor Benitez na ang peoples’ planning ang magiging pangunahing hakbang sa pagtataguyod ng mga Yuhom village habang ang JHF ang magkakaloob ng community organizing at capacity building support sa mga komunidad ng maralitang tagalungsod sa Bacolod City.

Sa pagbubuklod ng mga opisyal at mambabatas ng lungsod, mga urban poor federation at mga kinatawan ng PCUP sa pangunguna ni FOD Visayas Assistant Head Neil Victor Saril na lumahok sa aktibidad, pinarangalan ni Benitez ang lahat ng mga stakeholders na nakikiisa sa pagtalima ng pamahalaang lungsod na tugunan ang kakulangan ng access ng mahihirap sa pabahay.

“Nakahanda kaming isagawa ang mga sumusunod:

1.Transpormasyon ng mga informal settler communities sa resilient, empowered at sustainable na mga komunidad sa pamamagitan ng paglikha ng city-wide, in-city plan na tutugon sa seguridad ng land tenure, pabahay at site development para sa 50,000 mga ISF.

2. Pagtiyak na ang proseso ay isasagawa ng mamamayan. Ang mga pamilya at komunidad, sa tulong ng ating lungsod, ang siyang babalangkas ng Peoples’ Plans para tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan batay sa affordability, kapasidad magbayad, kasalukuyang mga livelihood, availability ng lupain at financing.

3. Walang isasagawang demolisyon na magreresulta sa kawalan ng tahanan. Pagbibigay ng relokasyon at tulong sa lahat ng mga administratibo at court-ordered na kaso. Ipapatupad ang peoples planning para sa mga ISF sa mga pribadong lokasyon.

4. Pagtatag ng mga Fisherfolks Settlement, na isang modelo na kung saan ang mga mangingisda ay hindi mapapaalis sa kanilang hanapbuhay na pangingisda.

5. Pagprayoridad sa pagkamit ng disenteng pabahay at site development sa relokasyon at mga social housing site” hinayag ng punong ehekutibo ng Bacolod City.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -