26 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

DoLE frontline services, nakakuha ng mataas na customer satisfaction

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG pagpapatunay sa pangako na makapaghatid ng mataas na kalidad ng serbisyo, napanatili ng labor department ang mataas na satisfaction rating na 4.95, o 99.18 percent sa citizen o client satisfaction survey nito para sa unang quarter ng 2023.

Batay sa ulat na isinumite ni Undersecretary Ciriaco Lagunzad III ng Regional Operations and General Administration Cluster kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, sinabi ni Lagunzad na ang rating ay nagpapatibay sa pangako ng ahensya na higit pang pagbutihin ang paghahatid ng mga programa at serbisyo nito sa publiko.

“Pinatutunayan ng mataas na satisfaction score na patuloy ang pagsusumikap ng DoLE na higitan ang kasiyahan ng kliyente sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pinakamataas na pamantayan ng kahusayan, kalidad ng serbisyo na may propesyonalismo, integridad, responsibilidad, at napapanahong paghahatid ng mga programa at serbisyo ng ahensya,” wika ni Lagunzad.

Ipinapakita sa report ang pangkalahatang karanasan ng kliyente, inaasahang serbisyo, at resulta ng tinanggap na serbisyo, na sumasakop sa 29 frontline service na ibinibigay ng DoLE Central Office (CO) at Regional Offices (ROs).

Saklaw ng client service ang walong sukatan ng kalidad ng serbisyo: pagtugon, maaasahan, pag-access at pasilidad, komunikasyon, gastos, integridad, katiyakan, at resulta, kung saan nakakuha ang DoLE ng mga marka mula 4.9 hanggang 5 (pinakamataas).

Ito ay nakalap sa pamamagitan ng pangangasiwa ng isang survey kung saan binigyang puntos ng mga walk-in client ang frontline service ng DoLE na kanilang tinanggap gamit ang five-point Likert Scale (5-Very Satisfied, 4-Satisfied, 3-Neither Satisfied or Dissatisfied, 2-Dissatisfied, at 1-Very Dissatisfied) at ang kanilang mga mungkahi at rekomendasyon para sa patuloy na pagpapahusay ng serbisyo.

Sa 56,051 walk-in clients na nabigyan ng serbisyo ng DoLE CO at ROs, 34,452, o 61.63 porsiyento sa mga ito ang nagsumite at lumahok sa survey.

Sa bilang na ito, 33,281, o 96.35 porsyento ng mga respondent ay nagmula sa ROs/Provincial/Field Office; at ang natitirang 1,261, o 3.65 porsyento, ay mula sa mga services at bureaus ng DoLE CO.

Ipinapakita ng ulat na nahigitan ang inaasahang ng kliyenteng kalidad ng serbisyo ibinibigay ng labor department para sa unang quarter ng 2023. Sumasalamin din ito sa pagpupunyagi ng kagawaran na maibigay ang kinakailangang serbisyo ng kliyente kasabay ng pagpapanatili ng kalidad ng serbisyong kinakailangan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -