27.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 24, 2024

MasarapMABUHAY program, itinaguyod ng Villar SIPAG Foundation

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINAGMAMALAKI ng mga mag-aaral mula sa St. Mark’s Institute of Las Piñas City ang kanilang mga contest entries sa isang aktibidad na inorganisa ng MasarapMABUHAY na ginanap sa Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP) noong ika-30 ng Nobyembre. Ang patimpalak na pinamagatang “Pagmamahal sa Kalikasan, Puso ng Las Piñero,” ay may layuning hikayatin ang mga kalahok na bumuo ng mga conceptual gadget na tumutugon sa mga hamon sa kapaligiran. Tatlong grupo ang nagpaligsahan para sa pinakamataas na premyo, at ang kanilang mga entry ay nasuri para sa scientific and technical merits, functionality, originality, at commercial viability.

Ang entry mula sa Saint Mark’s Institute Main Campus, isang air freshener na gumagamit ng mga organikong materyales na nakatutulong sa paglilinis, ay umani ng pabor mula sa mga hukom, kabilang dito sina Rotarian Julie Rabe ng Rotary Club ng Las Piñas East, Las Piñas City SK Federation President Rey Angelo Reyes, at LPPWP Park Information Officer Jun Rey Tabarno.

Ang kaganapan ay itinaguyod ng Villar SIPAG Foundation at tumanggap ng suporta mula sa Kaligkasan Advocacy Support Group, Sangguniang Kabataan Federation ng Las Piñas City, at Las Piñas Cycling Alliance.

Itinampok ng paligsahan ang pagmamalasakit ng kabataan sa mga isyu sa kapaligiran, na nagpapakita na nangangailangan lamang sila nang angkop na mga plataporma para sa makabuluhang pakikilahok. Ang LPPWP, na isang lugar para sa pananaliksik at edukasyon pagdating sa wetland, ay sumusuporta sa paglilinang ng mga kaalaman sa mga kabataan at pakikipag-ugnayan nila sa kapaligiran. Teksto at larawan halaw mula sa Facebook page ni Senator Cynthia Villar

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -