27.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 24, 2024

Gift certificates, ipinamahagi sa mga PWDs sa Parañaque

- Advertisement -
- Advertisement -

SA ikatlong araw ng pamamahagi ng gift certificates sa 15,000 Persons with Disabilities sa Lungsod ng Parañaque, nagtungo ang mga tauhan ng lokal na pamahalaang lungsod sa Sitio Fatima Covered Court sa Barangay San Isidro at Marcelo Green Gymnasium sa Barangay Marcelo Green upang ipagpatuloy ang naturang aktibidad.

Ang distribusyon na ito ay pinangunahan ni Mayor Eric L. Olivarez kung saan 2,031 PWDs ng Barangay San Isidro at 632 PWDs ng Barangay Marcelo Green ang nakatanggap ng Sodexo voucher na nagkakahalaga ng Php2,000.00. Magagamit nila ang GC sa pagbili ng groceries at sa iba’t ibang food and restaurant establishments.

Dumalo at nakiisa rin sa pamamahaging ito sina Unang Ginang Aileen Claire Olivarez, Vice Mayor Joan Villafuerte, at District 1 Congressman Edwin Olivarez.

Naroon din ang Sangguniang Barangay ng Barangay San Isidro sa pangunguna ni Punong Barangay Noel Japlos; Sangguniang Barangay ng Barangay Marcelo Green sa pangunguna ni Punong Barangay Ian Aguilar; Ms. Rina Gabriel; at BOO Assistant OIC Guada Golez.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa Persons with Disability Affairs Office sa ilalim ni Dr. Sabas De Guzman 3rd.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -