27 C
Manila
Sabado, Abril 13, 2024

Parañaque lumahok sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program

- Advertisement -
- Advertisement -

AKTIBONG lumahok ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa pangunguna ni Mayor Eric Olivarez sa ginanap na paglunsad ng Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program nitong Enero 6, 2024.

Ang naturang clean-up activity ay pinangunahan ng punong lungsod na siyang ginanap sa Redemptorist Channel sa Aseana City sa Barangay Tambo.

Ito ay proyekto ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. katuwang ang iba’t ibang government agencies at mga lokal na pamahalaang Lungsod ng Parañaque na naglalayong isulong at itaguyod ang isang malinis at maayos na kapaligiran.

Ayon kay Mayor Eric, bukod din sa clean-up drive na isinagawa sa Barangay Tambo, nakiisa rin ang 16 barangay ng Lungsod sa pamamagitan ng paglilinis at paghahakot ng mga basura sa mga kalsada, kanal, at ilog.

Sa talumpating inihayag ni Mayor Eric, kanyang binati ang national government at si Pangulong Marcos Jr. para sa inisyatibong ito. Aniya, ang programang ito ay kapareho sa adhikain ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Parañaque na pangalagaan at panatilihin ang kalinisan na isa sa mga susi ng maunlad na Lungsod at bansa.

Dumalo rin at nakiisa sa programang ito ang tanggapan ng City Environment and Natural Resources Office sa pangunguna ni Mark Allen Besa, ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government Parañaque City, ang pamunuan ng Barangay Tambo sa pangunguna ni Barangay Captain Jenn Quizon, ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Tambo sa pangunguna ni SK Chairperson Robelyn Joy Samson, Bureau of Fire Protection, at Aseana Business Park Estate Association Inc. Environmental Officer Rhiza Montances. Mula sa Facebook page ng City Information Office – Parañaque

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -