27.9 C
Manila
Sabado, Abril 13, 2024

MMDA magtatayo ng linear park sa San Juan River

- Advertisement -
- Advertisement -

Si MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes (ikatlo mula sa kanan na nakahawak sa plano) at sina San Juan Mayor Francis Zamora at DILG Secretary Benhur Abalos kasama ang mga taga-San Juan at MMDA.

BILANG bahagi ng paglilinis at pagpapaganda ng Ilog Pasig, magtatayo ng linear park ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa easement ng San Juan River sa bahagi ng Brgy. Batis.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, maglalagay ang MMDA ng mga halaman, bikeway, jogging path at walkway sa gagawing linear park.

Para matiyak naman na magiging maayos ang solid waste management sa lugar lalo na’t malapit ito sa ilog, magtatayo rin ng materials recovery faciltuiy, rain harvesting facility at sewerage treatment plant sa lugar.

Ang linear park ay bahagi ng Neighborhood Upgrading Project sa San Juan River na naglalayong magamit an gma easement ng mga daluyang tubig at mapanatili ang kalinisan nito sa pamamagitan ng paghihikayat sa komunidad na makiisa sa mga solid waste management practices.

Nakaangkla rin ito sa Metro Manila Flood Management Project na layuning mabawasan ang dami ng mga basurang napupunta sa mga daluyang tubig na nagiging sanhi ng pagbaha. Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng MMDA

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -