29.5 C
Manila
Linggo, Nobyembre 10, 2024

Inagurasyon at blessing ng Maybunga Rainforest Park

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGKAROON ng inagusrasyon at blessing ng renovated areas sa Maybunga Rainforest Park noong Enero 12, 2024 kabilang ang: Senior Citizen’s Park, Kiddie Playland, Butterfly House, Picnic Area, at iba pa.

Kasunod ang naging unveiling ng marker na nagdedeklara sa Maybunga Rainforest Park bilang isang permanent protected area sa Pasig. Matatandaang noong Enero 12 din ng 2023 ay nagpasa ng ordinansa ang Sangguniang Panlungsod ng Pasig na isinulat ni Councilor Pao Santiago: ang Ordinance No. 6, s. 2023 o ang Pasig City Rainforest Park Ordinance. Bukod sa deklarasyon bilang protected area, noon din opisyal na tinawag na ito bilang Maybunga Rainforest Park.

Noon ay nasa halos siyam na ektarya ang kabuuan ng Rainforest na ito, ngunit ngayon ay nasa 6.2 hectares na lang ang natira rito, kaya naman layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na proteksyunan ito at mapreserba para sa mga susunod pang henerasyon ng mga Pasigueño.

Sinundan din ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MoA) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Rizal Technological University (RTU), at Department of Science and Technology (DoST) kaugnay ang Solar Power Automated Modular Mushroom Growing House na kabilang din sa naging blessing ng mga pasilidad sa Maybunga Rainforest Park. Nagsilbing signatory sa MOA bukod kay Mayor Vico Sotto sina Dr. Ma. Eugenia Yangco, University President ng RTU at Engr. Romelen Tresvalles, Regional Director ng DoST – National Capital Region.

Bahagi rin ng naging programa para sa tatlong aktibidad na ito ang pagbibigay ng Messages of Solidarity mula sa mga kinatawan ng RTU at DoST-NCR na siya ring lumagda sa MoA, at Councilor Santiago. Nagbigay din ng mensahe sina Sangguniang Panlungsod Committee on Environmental Protection and Human Ecology Chairperson Kiko Rustia, Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, at Mayor Vico Sotto.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -