28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

Philippine Maritime Zones Act, aprub na

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINALITA ni Senate President Juan Miguel Zubiri na batas na ang Philippine Maritime Zones Act o ang Senate Bill No. 2492 sa kanyang Facebook page na Senator Migz Zubiri.

Aniya, “Approved na po sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Philippine Maritime Zones Act.”

“Isa ito sa mga priority measures ng administrasyon, at mapapalakas nito ang ating pagkilala at pagprotekta sa ating maritime zones–proteksiyon hindi lang ng ating teritoryo, kundi pati ng ating yamang-dagat,” dagdag pa niya.

“Binibigyan rin ng panukalang ito ng malakas na sandigan ang ating mga mangingisda, para malaya at ligtas silang makapag-hanapbuhay sa ating sariling karagatan.

“Malaking hakbang itong Philippine Maritime Zones Act sa patuloy nating pagtindig para sa ating karagatan, lalo na’t nasa stratehikong bahagi tayo ng Asia at Pacific Ocean.”

Sponsor ng batas na ito si Senador Francis “Tol” Tolentino na tinuwangan ni Sen Zubiri bilang co-sponsor.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -