27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

Gatchalian umaasang matutugunan ng ERC PCC joint task force ang problema sa kuryente

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPAHAYAG ng pag-asa si Senador Win Gatchalian na ang joint task force ng Energy Regulatory Commission (ERC) at Philippine Competition Commission (PCC), na nilikha upang imbestigahan ang mga alegasyon ng anti-competitive practices sa power sector, ay epektibong makakatugon sa mga isyung bumabalot sa sektor at poprotekta sa interes ng mga konsyumer.

Umaasa si Senador Win Gatchalian na ang magkasamang task force ng Energy Regulatory Commission (ERC) at ng Philippine Competition Commission (PCC) ay epektibong makakatugon sa mga isyu at mapo-protektahan ang mga interest ng energy consumers. Larawan kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

“Ako ay tiwala na gagampanan ng task force ang paglutas sa mga anti-competitive practices na nangyayari sa industriya. Umaasa ako na ang pagsasanib pwersa ng dalawang ahensya ay magtatatag ng mekanismo sa merkado na poprotekta sa interes ng ating mga konsyumer,” sabi ni Gatchalian.

Dagdag pa ng vice chairperson ng Senate Committee on Energy na ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), na pinagtibay noong 2001, ang nagreregulate ng kompetisyon sa industriya ng kuryente, nagbabawal sa sinuman sa industriya na pumasok sa anumang anti-competitive practice kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, cross-subsidization, presyo, o pagmamanipula sa merkado, at pagpataw ng mga limitasyon sa pagmamay-ari at kontrol ng mga kaugnay na kumpanya, na mayroong generating capacity.

Pero kahit na ang ERC ay umaming nahihirapan ito sa pagtugon sa mga anti-competitive issue sa industriya tulad ng mga kinasasangkutan ng mga industry player na nakikipagkalakalan ng kanilang generated capacity sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

“May dahilan kung bakit nariyan ang mga polisiyang nagsusulong ng kompetisyon sa merkado at iyun ay upang maiwasan ang anumang paglabag sa regulasyon ng patas na kompetisyon na kadalasang nauuwi sa mataas na presyo ng kuryente at karagdagang gastos para sa mga market player,” sabi ni Gatchalian.

“Inaasahan natin na ang pagtutulungan ng ERC at PCC ay magpapalakas sa kakayahan ng gobyerno na suriin ang mga kahina-hinalang gawain sa industriya at ibayong maipatupad ang mga polisiya hinggil sa patas na kompetisyon para sa pakinabang ng mga konsyumer,” pagtatapos niya.

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -